PAGTITIIS PARA SA INYO

2014-03-22 / MARYJANE V. ALUPANI / PAGTITIIS PARA SA INYO / Tagalog 


PAGTITIIS para sa IYO

Sa bawat araw na lumilipas,
Pagkasabik sa pamilya ang aking dinaranas,
Luhang papatak ay aking pinipigilan,
Sapagkat ito'y talagang kailangan.

Hirap ng buhay ang sa akin ay nagtulak,
Upang ako dito sa Taiwan ay tumapak,
Para maghandog sa inyo konting kaginhawahan,
Na sa paglaki ay hindi ko naranasan.
Dito sa Taiwan mahirap kung minsan ang mga gawain,
Lalo pa at pakiramdam mo'y laging,
May mga matang sa iyo ay nakatingin,
Nag-aabang kung may mali kang gagawin.

Minsan naman para kang trumpo, ikot ng ikot,
Dahil utos dito, utos doon, Bawal ang ganito,
bawal ang ganoon, Gawin mo ito, gawin mo iyon.
Takot at pangamba din ang aking naranasan,
Nung magkaproblema ang Pilipinas at Taiwan,
Takot dahil sa mga karahasan na aking napapanood at nabablitaan,
Pangamba dahil marami pa akong mga utang na buwan buwan kong binabayaran.

Ang mga pangungulila at mga pagtitiis ko,
Ito ay inihahandog ko,
Para sa inyo at sa iyo,
Mga taong PINAKAMAMAHAL KO.