Pagkakataon

2015/5/31  / Benidicto C. Ayson / Pagkakataon / Pilipinas 菲律賓 / Pinoy Across Magazine

Walong taon, pangatlong kontrata, ikalawang kumpanya…
Nakatulong sa Magulang, nakatulong akong makapagtapos ng dalawa sa kapatid ko, at naging sandingan ng mga limang kapatid sa kanilang pangangaylangan . Dito ko nakita ang kabiyak ng aking buhay.. nakapag ipon , nakapagpundar at dito nagsimulang madagdagan ang aking karanasan at pano magbago ang aking buhay.

Murang edad palang ako natuto na akong kumita ng konting salapi, nasubukan kong maglako ng “ Popcycle “ sa isang box ng styro-foam at nakasabit sa minsan sa aking balikat o ulo, may bitbit na maliit na bell naglalakad sa kalapit barangay para makapaglako. di alintana ang init ng panahon at buhos ng ulan makapag abot lang nang salapi sa aking magulang.  Sa pagsapit ko sa segundarya sa pag aaral tuwing walang pasok pinasok ko ang paglalako ng  “ fishball “, may kabarangay kaming nag alok sakin para maging tindero nila. Hindi na ako naglalakad ngaun para magbenta, bisekleta na ang gamit ko, mas malayo na ang nararating ko. Minsan nahihiya na ako baka makita ako ng classmate ko na crush ko. ngunit kelangan kong makatulong sa magulang ko at tapusin ang pag aaral ko sa high school. Ngunit Hindi naging pabor sa akin ang tadhana, wala kaming sapat para makapag aral ako sa kolehiyo,Isang taon akong nabakante at tumigil sa pag aaral,Mas marami akong nasubukang trabaho, kargador ng tabako, construction worker at nagbenta ng mga religious …… . ngunit hindi ako kontento sa kinikita ko, kelangan kong umunlad, para matupad un kelangan kong mag aral.

Hindi ako nabigo nang humingi ako ng tulong sa tita ko na nasa abroad para makapag-aral. dalawang taon niya akong sinuportahan,nakatapos ako sa kursong associate in computer science. bago ako makarating sa bansang eto, marami pa akong trabahong nasubukan.

ang mapadpad sa ibang bang ay isang malaking pagkakataon para sa akin. umpisa eto para matupad ang pinapangarap kong ginhawa, para sa pamilya, anak, magulang at para sa sarili.
May 2007 Ang Unang pag-alis ko ng bansa patungong Taiwan .Akala ko ang mawalay ng matagal na panahon sa mahal sa buhay ang magpapahirap sa akin dito sa abroad, mas marami pa pala.kung  pano makisama at makitungo sa ibang lahi, pano masanay sa kanla kultura, bagong lenguwahe at higit sa lahat mas mahirap lalo ang  makisama sa sarili mong kababayan. at kelangan mong mag adjust sa bagong panlasa sa timpla ng kanilang pagkain. may mga pagkakataon na kelangan kong tatagan ang loob mo pano malampasan ang mga bagay na eto. ang unang dalawang bagay na natutunan ko dito sa taiwan ay pano gumamit ng tissue ( sa lahat ng bagay) at chopstick, panyo at kutsara at tinidor lang ang gamit ko sa pinas( biro lang).Dalawang bagay na aking natutunan ang habaan ang pasensya at ang maging responsable, maraming akong nasaksihan at pagkakataon na kapwa kababayan ay nakakaroon ng bangayan na nauuwi sa pisikal na alitan sa loob at labas ng trabaho. kung hindi ka magiging responsable sa trabaho at dormitory, sa tatlong pagkakamali maari kang pabalikin sa pinas ng hindi tinatapos ang kontrata. Kaya eto ang dalawang bagay na agad kong natutunan.

Sa aking unang kontrata maraming payo akong natangap mula sa kapwa ko kababayan, ang unang unang sabi nila sakin “ first impressions last”. para makuha ang loob ng mga taiwanese na katrabaho ay dapat magpakitang gilas ka kaagad, ipakita mo kung ano ang kaya mong gawin.  wag magpakita ng katamaran, at maging palakaibigan sa kanila. Kahit hindi ako marunong magsalita ng kanilang lenguwahe piniiit kong makipagusap at gawin ang akin mga sign language. kahit papano’y nakasurvived ako hangang matuto ng mga basics sa pakikipagusap. unti unti kong naisaayos at nalaman pano ang mamuhay sa bansang banyaga.

Isa sa hirap na naranasan ko sa taiwan nung nagkaroon ng Global Crisis, ung mga panahong un napakababa ng palitan ng pera ng peso laban sa pera ng taiwan. Nabawasan din ang pasok at marami ang napauwing mga OCW. Hindi man ako napauwi ngunit kinakapos ang perang pinapadala para sa pamilya, kaya namasukan ako bilang alalay sa kusina sa isang karenderya. Babangon ako ng maaga para sa part-time job ko , tutulong ako sa kusina para sa paghanda ng mga gagamitin. maghuhugas ng mga plato pinagkainan sa napakalamig na tubig. kahit mangatal at mamanhid ang kamay ko okay lang para namn sa pamilya ko.

Sa aking pamamalagi dito sa taiwan, masasabi kong akoy naging maswerti at naging maayos ang mga kumapanyang aking nakapagtrabahuan, naging maayos at pagtrato ng aking Employer at Coordinator. nagkaroon ako ng mga kaibigan taiwanese, hindi man sila palangiti pag di ka nila kakilala pero pag naging kaibigan mo sila mararamdaman mo ang pagiging thoughtful nila.dinadala nila ako kung saan saan, mahilig silang kumain , kaya pati kaming mga katrabaho nagustuhan ang pagkain nilang shabu shabu na may barbecue.Naging masaya rin ang pamamalagi ko dito sa taiwan, mga bagay bagay na pedeng gawin para malibang at mawala pansamantala at pagkawili sa mga mahal sa buhay, tulad ng mga company tour , dinadala kami sa mga lugar na mararangya at nakakatangal ng stress , mga theme park , temples and mga man-made tourist spot.

Ang mga bagay na hindi ko nakamit sa pinas dito ko natagpuan, naging pangalawang bansa at tahanan ko na ang Taiwan. Dito nagbago ng lubos ang aking buhay, dito ko nakamit ang mga munting pangarap ko sa buhay, ang makatulong sa magulang at kapatid ko. At higit sa lahat dito ko natagpuan ang aking kabiyak, dito nag umpisa ang aming pagmamahalan, at dito rin nakabuo ng pamilya. Akoy lubos na nagpapasalamat at nagkaroon ako ng pambihirang pagkakataon na mapunta dito sa taiwan, sa opurtunidad na ibigay ng Bansang Taiwan.