2014-05-29 / CANALE RICHARD CORES利查德 / THANK YOU,TAIWAN / Pilipinas 菲律賓 / GOLDHOME INTERNATIONAL MANPOWER & MANAGEMENT CO., LTD. 鎵鴻人力資源管理顧問股份有限公司
Ang magtrabaho o mamuhay sa ibang bansa ay hindi madali. Upang ikaw ay magtagumpay, kailangan ikaw ay may tiyaga at malakas na determinasyon . Ito'y maihahalintulad sa sinabi nang isang popular sa nobela na si Anatole France na " Kinakailangan na ikaw ay kumilos at maniwala sa iyong sarili na ikaw ay magtatagumpay para makamit mo kung ano man ang iyong inaasam". At para sa milyon-milyong Pilipino na nagtatrabaho abroad, ito'y kailangan gawin para sa kapakanan ng kanilang mga mahal sa buhay.
Halos milyon-milyong Pilipino ang nagtatrabaho sa lahat ng dako ng mundo, at masaya ako na mapabilang sa kanila. Ang pag-ambag sa paglago ng ekonomiya nang aking bansa,ang pagkakaroon ng malaking suweldo kumpara sa aking bansa, at ang matinding pagnanais na maiahon sa kahirapan ang aking pamilya ay ang mga dahilan at nag udyok saakin kung bakit sa murang edad pa lamang ay napagdesisyunan kung magtrabaho sa ibayong-dagat. Dahil dito, tiyak ako na matutustusan at maibibigay ko ang mga pangangailangan ng aking pamilya, at maisasakatuparan ko ang matagal ko nang pinapangarap para sa kanila,ang maiahon at matikman din nila ang buhay na minsan na din nilang inasam. Simpleng pamumuhay na may kaginhawaan .Sa akin naman, mabibili ko na ngayon ang mga bagay na hindi ko kayang bilihin noong ako ay nagtatrabaho sa Pilipinas, at higit sa lahat matututunan kung maging matatag sa pagharap sa mga hamon ng buhay nang wala ang aking pamilya.
Bansang Taiwan, binubuo ng kalupaan na humigit kumulang 36,193 kelometro kwadrado. Maliit kumpara sa Pilipinas, ngunit ako'y labis na nagtataka kung bakit ang Taiwan ay maunlad. At ngayon, ang bansang ito ay aking pagsisilbihan at magsisilbing tahanan ko. Bago pa man ako pumunta dito, alam ko na sa aking sarili na responsibilidad at tungkulin ko na irespeto ang kanilang kinagisnang sining at kultura, responsibilidad at tungkulin ko na irespeto at sundin ang kanilang mga batas. Paglapag ko sa pailiparan nang Taiwan, ako'y napamangha at hindi naiwasang ikumpara ang paliparan nang Taiwan sa paliparan sa Pilipinas,ang laki ng pagkakaiba. At hindi na nga ako nagtaka kung bakit isa ito sa naturingang pinakamagandang paliparan sa buong mundo, ang "Taoyuan International Airport".
Nagsimula akong magtrabaho sa Evergreen Sky Catering Corporation noong nakaraang taon. At naging mahirap ito para sa 21 taong gulang na binata na may murang pag iisip na harapin ang mga karaniwang problema na nararanasan nang isang OFW. Ang unang gabi ko sa abroad ay ang pinakamahirap na gabi para sa akin. Parang wala ako sa aking sarili,masakit, mahirap,malungkot at para akong nasisiraan nang loob. Nagugol ko ang buong gabi ko sa pag iisip sa aking pamilya , nag iisip na kung puwede na lang sana na umuwi na lang. At napakahirap na mangulila sa mahal sa buhay at ang puwede mo lang gawin ay ang umiyak ng umiyak maibsan lamang ang kalungkutan na nadarama hanggang sa guminhawa ang pakiramdam. Ngunit sa huli ay aking napagtanto at napag isip isip na dapat ako'y maging matatag at maging matapang anuman ang unos at pagsubok na dumating sa aking buhay ditto sa abroad para sa kapakanan nang aking pamilya. Ako'y labis na nag alala sa kung ano ang mga posibleng mangyari sa mga susunod pang mga araw, sa kadahilanang ako'y makikipag trabaho at makikipagsalamuha sa ibat't ibang klase ng indibidwal.Simula pa noong bata pa ako ay impresyon ko na talaga na ang mga Taiwanese ay mahirap pakisamahan. Subalit ,nong naumpisahan kung makipagtrabaho at makisalamuha sa kanila , nakaramdam ako ng hiya sa aking sarili, dahil sa sila'y aking hinusgahan.Totoo nga talaga ang kasabihan na”Huwag kang manghuhusga sa panlabas na kaanyuan ng isang bagay,bagkus ay ang nilalaman nito”. Lahat nang nasa isip ko sa kanila simula't sapol ay kabaligtaran ng ipinakita nila sa akin sa una pa lamang. Ang mga Taiwanese pala ay palakaibigan. Noong sinimulan kung makipag kuwentuhan sa kanila sila'y wiling wili na nakikipag usap saakin. Kung hindi naman sila gaanong nagmamadali sa kanilang ginagawa,at tinanong mo kung ano ang kanilang ginagawa, tiyak na bibigyan ka nila nang oras at atensyon para sagutin ang tanong mo nang may kasamang ngiti. At napakahalaga para saakin ang kanilang ginagawa maintindihan ko lamang ang ibig nilang iparating. Kapag nakakasalubong ko naman sila,lagi nila akong tinatanguan at sinasabihan ng " hello", at ramdam ang pagiging kumportable kasama sila.
Ang mga Taiwanese pala ay masisipag. Bawat segundo para sa kanila ay mahalaga. Naalala ko nong unang beses na nahuli akong pumasok galing sa break nang tatlong menuto lamang. Tinanong ako kaagad nang aming Team Leader," Bakit ka ba na late?" .Sinabi ko na lang na “Sorry Po”hindi na po ito mauulit.Sinabi niya na sa susunod ay dapat akong pumasok nang tama sa oras. Hindi ako nagalit sa kanya, bagkus ay lubos na nagpasalamat dahil sa tinuruan niya ako kung paano pahalagahan ang oras. Habang naglalakad ako sa kalsada, wala akong nakitang Taiwanese na ginugugol ang kanilang araw sa pag inom,maglaro nang baraha bilang pampalipas oras na kadalasan mong makikita sa Pilipinas.
Ang magtrabaho ng walang hawak na pera dito sa Taiwan ay naging posible. Ang kumpanya ko ang naglalaan ng pagkain, tirahan at transportasyon. Lagi nilang sinisiguro ang aming kaligtasan, nagbibigay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa kaligtasan at nagtuturo kung paano maging handa sa mga sakuna. Lagi nilang pinapa alala na maging "MABUTI" nasa loob man kami nang kumpanya o nasa labas. At lagi naming itatak sa aming isipan na para sa kanila ay napakahalaga. Una, "Huwag Magnanakaw". Pangalawa "Wala o Huwag Makikipag-away".
Ang mga tagapamahala at kapwa ko Taiwanese na katrabaho ay pawang mababait. Kontento ako at mapalad na makapag trabaho dito sa Evergreen Sky Catering Corporation. At dahil dito,ginagawa ko ang lahat at binibigay ang lahat nang aking potensyal para magawa ang aking trabaho nang maayos araw-araw.Maging produktibong empleyado ng kumpanya, makiisa at maging parte sa patuloy na paglago ng kumpanya na aking pinagtatrabahuhan ay ang aking naging layunin.
Ang matuto ng kanilang salita ay naging mahirap para sa akin, ngunit masasabi ko na masaya. Ang matuto ng dalawa hanggang sa tatlong salita araw-araw ay naging masaya na ako.Naalala ko yong pinakaunang salita na natutunan ko ay ang salitang “XIE-XIE NI”. Sa tagalog ang ibig sabihin ay“SALAMAT SA’YO”. At ngayon masasabi ko na unti-unti ko na rin natutunang mahalin ang kanilang salita.
Ang maglibot sa iba’t ibang lugar dito sa Taiwan ay napaka ginhawa. Nandiyan ang mga konkretong daanan, mga skyways,maluwag na espasyo at “airconditioned” n mga pampublikong mga sasakyan,may mga nakatalagang upuan para sa mga matatanda at higit sa lahat may mga security cameras pa na bibihira mo lang makita sa mga pampublikong transportasyon sa Pilipinas. Ang trapik ay hindi problema dito,kumpara sa Pilipinas na hanggang ngayon ay pasakit pa din at hindi mabigyan ng pangmatagalang solusyon. Ang mga drayber ay pawang mga disiplanado. Strikto nilang sinusunod ang mga batas trapiko. At isang bagay ang talaga namang nakaagaw sa aking atensyon. Ito ay ang paraan kung paano sila magbayad. Sa Pilipinas,maliban sa drayber ay meron din kaming tinatawag na konduktor. Trabaho niya na mangolekta nang pamasahe ng bawat pasahero. Ngunit sa kasamaang palad may mga tao pa din na sadyang walang konsensya at pakiramdam . Minsan kahit hindi pa nagbayad ay sasabihing nagbayad na,minsan naman nakikisabay sa gulo ng siksikan para hindi na makapagbayad. Nakakahiya man na aminin, ngunit totoo. Nasasabi ko lang din ang mga bagay na ‘to,batay na din sa sarili kung karanasan. Ibang iba kumpara dito sa Tawan.Dito walang konduktor na maniningil ng pamasahe,nasa sayo kung magbibigay ka ng hustong bayad. Ilagay mo lang ang iyong pamasahe sa coin slot sa loob ng bus,tapos na. Pinapakita lang nito kung gaano katapat at katotoong tao ang mga Taiwanese na mas lalo pang nagpasidhi sa lubos na paghanga ko sa kanila.
Ang sistema ng serbisyong pangkalusugan ay napaka organisado. Kapag ikaw ay may health card,mas madali mong makukuha ang mga atensyong medikal at mga benepisyo. Ang unang punta ko sa doctor ay noong nagkaroon ako ng problema sa pagtulog. Pumunta ako sa aming company nurse at nanghingi ng gamot para sa aking problema. Sinangguni niya ako sa isang medikal clinic sa kadahilanang wala raw siyang available na gamot para sa aking problema. Pagkatapos ako matingnan ng doctor, kaagad naman niya akong binigyan nang gamot. Sabay nagtanong ako, “Dok magkano po ba babayaran ko?” sagot nya “Wala kang babayaran,Libre yan.” Nagulat ako sa sinabi nya,napangiti,ramdam ko ang tuwa at walang masabi kundi “Maraming, Maraming Salamat Po Doktor! Habang naglalakad ako papalayo, sumagi sa isipan ko kung gaano kahirap ang magpa hospital kapag ikaw ay may sakit at walang pera sa bansa na aking pinanggalingan. Mahirap ispin ngunit ito ang reyaledad.
Saan man ako mapadpad dito sa Taiwan,wala akong nararamdamang pangamba .Maglakad man ako sa kalagitnaan ng gabi,wala akong nararamdamang takot na may mananakit sa akin. Ramdam ko at nasa isip ko lagi na ligtas ako dito. Wala akong marinig na balita tungkol sa krimen tulad ng kidnappng,carnapping at iba pang mga notoryus na bagay na kadalasan mong makikita sa balita sa telebisyon sa Pilpinas. Karamihan sa mga establisyemento ay mapapansin mo na walang mga nakabantay na security guards. Ang mga pulis dito sa Tawan, ay hindi na nagdadala ng mga baril,bagkus ay batuta lamang . At isang pang-uri ang eksaktong maglalarawan sa bansang Taiwan. Ang bansang ito ay “MAPAYAPA”. At ang tanging hangad ko lang na sana ay maging kapareho ng Pilpinas ang bansang ito.
Sa mga namumuno ng bansang ito, ako’y saludo sa inyong lahat. Alam ko na hindi magiging mabuti ang isang bansa kung walang matitinong lider na katulad ninyo. Ang tagumpay ninyo,ay tagumpay din ng inyong mga mamamayan. At inaasahan ko, na ang ugnayan ng dalawang bansang ito,( Tawan at Pilipinas )ay mas lalo pang lumalim at umigting sa mga susunod pang mga taon.
At sa lahat nang mga mamamayan ng Taiwan,sa ngalan ng lahat ng mga Pilipino na nagtatrabaho sa bansang ito. Ako ay lubos na nagpapasalamat sa pagiging “MABUTI” ninyo sa mga Pilipino. Totoo, na ang dami naming natutunan mula sa inyo. “XIE-XIE NI TAWAN”:-).