2014-05-27 / Jun M. Sanchez / Factory Worker / Pilipinas菲律賓 / SMI- SAMAHANG MAKATA INTERNATIONAL - TAIWAN
" BAGWIS "
NI; JUN MECIAS SANCHEZ
MEMBER: SMI -TAIWAN, ROC
SA AKING PAGLIPAD SA MALAWAK NA PAPAWIRIN
AKING NATUNGHAYAN MALAWAK NA BUKIRIN
NILANGHAP KO ANG SIMOY NG HANGIN
KAY- ALIWALAS NA KAPALIGIRAN, PARAISO SA PANINGIN.
NILAKBAY KO ANG MALAWAK NA KARAGATAN
MAASUL NA DAGAT AT MALINAW NA BATIS, PANGAKO'Y KAPANATAGAN
MGA BULUBUNDUKING, YAMAN NG KALIKASAN
KAAYA-AYANG PAGMASDAN, LIGAYA'Y AKING NARAMDAMAN.
SUMANDALI AKONG NAMAHINGA MULA SA PAGLALAKBAY
SA 'DI MALUBAY NA PUNONG AKASYA AKO'Y NAPASANDAL
HAPONG KATAWA'Y, MATIWASAY, NA UMAWIT NA WALANG HUMPAY
SA INDAYOG NG MGA DAHO'Y BAGWIS KO'Y SUMASABAY.
SA HABA NG NILAKBAY, NAKARAMDAM NG GUTOM AT UHAW
MULA SA KALIKASA'Y NAKAHANAP NG PAGKAI'T TUBIG NA MAKATIGHAW
SA GABING PUSIKIT MAPAYAPANG SA TULUGA'Y NAKAHIMLAY
AT MULI NA NAMANG MAGLALAKBAY SA BAGONG UMAGANG DARATAL.
KASABAY NG BUKANG LIWAYWAY, MAAGAP NA SA PAG- ALIS
SA PAGLALAKBAY, MINSA'Y MGA UNOS SA AKI'Y HUMAGUPIT
KUNDI MAN MAILAGAN, TITIBAYAN NA LAMANG TINDIG AT BAGWIS
SA LANDASING BALOT NG PAGSUBOK ' DI AKO PALULUPIG.
SA BAWAT KAMPAY NG MGA PAKPAK, MALAYO NA PALA ANG AKING NAABOT
DUBAI, THAILAND, TAIWAN AT SAUDI AY AKIN NG NAIKOT
BAGAMAT SA DAKILANG LUMIKHA ' DI KAILAN MAN MAKALIMOT
SA MGA BIYAYA'T PAGGABAY NIYA'Y PASASALAMAT KO'Y NILULUBOS.
ANG PAGSUBOK AT SULIRANI'Y KAKAMBAL NA NG BUHAY
NANG LIKHAIN NI BATHALA ANG SANSINUKUBAN, UNOS NA'Y IBINIGAY
SA PAGLALAKBAY, SULIRANI'Y SA LANDAS KO'Y TILA IPU-IPONG DUMATAL
NAHAGIP YAONG BAGWIS AT NABALI, 'DI NA MULING MAIKAMPAY.
* * *