HINDI KA NAG-IISA
Ako'y isang dayuhan,
Sa bayang aking tinutuloyan,
Sa daa'y mga bagong mukha,
Ang aking mga nasasalamuha.
Piniling malayo sa sariling bayan,
Pinakamamahal ay makapiling lamang,
At ang pamilyang naiwan,
Minu-minutong pinanabikan.
Ang aking tanging dasal,
Ay gabayan ng Maykapal,
Sa piniling landas na tinahak,
Nawa'y hindi maging mahirap.
Hirap mang maintindihan,
Wikang hindi ko kinalakhan,
Bawat araw ay pagsubok,
Pilit pinapalakas ang loob.
Sa tradisyon at kultura nila'y,
Ang sarili'y unti-unting sinanay,
Iba man sa mga nakasanayan,
Buong puso ko itong niyakap.
Ang kanilang mga nakaugalian,
Isa-isa kong sinusubukan,
Bawat karanasan ay may dalang,
Leksyon at aral na matutuhan.
Hindi naging madali sa umpisa,
Ang manirahan sa ibang bansa,
Nariyan minsan ang takot at kaba,
Na sa paningin nila'y estranghero ka.
Minsa'y hindi maiwasan ang lumuha,
Tuwing kaharap na'y mga problema,
Dahil malayo sa mahal na ama't ina,
Kinailangang tumayo sa sariling mga paa.
Pakiramdam ay unti-unting gumagaan,
Nang makahanap ng mga kaibigan,
Sa parehong bansa nanggaling,
Gaya ko, sila'y mga dayuhan rin.
Sa tulong nila'y aking nalagpasan,
Ang pananabik sa inang bayan,
Sa mga nabahaging karanasan,
Maraming bagay akong natutunan.
Dati'y 'di nakasanayang buhay,
Ngayo'y naging mas makulay,
Dahil sa mga kaibigang ibinigay Niya,
Wala na akong ibang mahihiling pa.
Lagi lamang tatandaan,
at ito'y itatak sa mga isipan,
Ika'y hindi nag-iisa,
Mga panalangi'y nakikinig Siya.
Ako ngayo'y isang dayuhang,
Dito'y masaya nang naninirahan,
Lahat ng mga alaala ko rito,
Ay nakaukit sa kaibuturan ng aking puso.
Ako'y isang dayuhan,
Sa bayang aking tinutuloyan,
Sa daa'y mga bagong mukha,
Ang aking mga nasasalamuha.
Piniling malayo sa sariling bayan,
Pinakamamahal ay makapiling lamang,
At ang pamilyang naiwan,
Minu-minutong pinanabikan.
Ang aking tanging dasal,
Ay gabayan ng Maykapal,
Sa piniling landas na tinahak,
Nawa'y hindi maging mahirap.
Hirap mang maintindihan,
Wikang hindi ko kinalakhan,
Bawat araw ay pagsubok,
Pilit pinapalakas ang loob.
Sa tradisyon at kultura nila'y,
Ang sarili'y unti-unting sinanay,
Iba man sa mga nakasanayan,
Buong puso ko itong niyakap.
Ang kanilang mga nakaugalian,
Isa-isa kong sinusubukan,
Bawat karanasan ay may dalang,
Leksyon at aral na matutuhan.
Hindi naging madali sa umpisa,
Ang manirahan sa ibang bansa,
Nariyan minsan ang takot at kaba,
Na sa paningin nila'y estranghero ka.
Minsa'y hindi maiwasan ang lumuha,
Tuwing kaharap na'y mga problema,
Dahil malayo sa mahal na ama't ina,
Kinailangang tumayo sa sariling mga paa.
Pakiramdam ay unti-unting gumagaan,
Nang makahanap ng mga kaibigan,
Sa parehong bansa nanggaling,
Gaya ko, sila'y mga dayuhan rin.
Sa tulong nila'y aking nalagpasan,
Ang pananabik sa inang bayan,
Sa mga nabahaging karanasan,
Maraming bagay akong natutunan.
Dati'y 'di nakasanayang buhay,
Ngayo'y naging mas makulay,
Dahil sa mga kaibigang ibinigay Niya,
Wala na akong ibang mahihiling pa.
Lagi lamang tatandaan,
at ito'y itatak sa mga isipan,
Ika'y hindi nag-iisa,
Mga panalangi'y nakikinig Siya.
Ako ngayo'y isang dayuhang,
Dito'y masaya nang naninirahan,
Lahat ng mga alaala ko rito,
Ay nakaukit sa kaibuturan ng aking puso.